Wednesday, June 22, 2016

Foreign Investment Liberalization Act, nakatakdang aprubahn ni PNoy

Ang panukalang Pagpapaluwag ng Dayuhang Pamumuhunan o ang Foreign Investment Liberalization Act na kamakailan lamang ipinasa sa Office of the President ay kasalukuyang nakaantabay na malagdaan upang maging ganap na na batas.
Ang HB06395 na inihain nina Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal at Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ay may layuning amiyendahan ang espesipikong  batas sa foreign participation limitations.

Ito ay tumatalakay sa mga restriksiyon sa adjustment, lending at mga financing company at sa mga investment house na nakapaloob sa Foreign Investment Negative List.

Batay sa panukala, lahat na mga statutory law at implementing rules and regulations na magre-require ng mga nationality requirement sa mga nabanggit na industriya ay i-abolish na.

Ang citizenship requirement at share of capital ay aalisin batay sa sinasabi ng Section 332 na tumutukoy sa seksiyon ng Adjusters ng RA10607 o ang tinatawag na The Insurance Code.

Ang HB06395 ay may layunin ding buksan ang mga additional investment na kakailanganin para sa objective ng pagpapaunlad ng bansa bagamat napagpasyahan ni PNoy noong nakaraang taon na hindi papalitan ang mga industry na tinukoy sa Foreign Investment Negative List sa pamamagitan ng kanyang Executive Order 184.