Ang
proposed “Exact Change Act” ay ipinasa sa Pangulo para aprubal at lagda nito
matapos niratipikahan ng House of Representatives ang Conference Committee
Report ng HB04730 noong nakaraang June 6 at ng SB01618 noong May 23, 2016.
Patatatagin ang proteksiyon ng mga konsiyumer dito sa panukalang ito lalu na sa pagbili ng mga commodity o goods na binibili at sa mga serbisyo na ina-avail ng mga costumer.
Patatatagin ang proteksiyon ng mga konsiyumer dito sa panukalang ito lalu na sa pagbili ng mga commodity o goods na binibili at sa mga serbisyo na ina-avail ng mga costumer.
Pinatatatag
dito sa batas na ito ang palisiya ng Estado na protektahan ang interes at
ipagpapaibayo mang general welfare ng mga consumer at ganun na rin ang pagtatag
ng standards of conduct para sa mga negosyo at industriya.
Dito idideklara na maging unlawful para sa anumang negosyo na magbigay ng hindi sapat o eksaktong sukli sa lahat ng mga consiyumer na bumili o tumanggap ng produkto o serbisyo kahit gaano kaliit ng halaga ng sukli.
Ipagbabawal
din dito ang pagsusukli ng anumang bagay na may katumbas na halaga ng sukli kundi
pera lamang ng nararapat na halaga ang dapat isukli at imamando sa din sa mga
establisimiyento ang paglagay ng paskil sa bawat counter nito ang mga katagang
Demand Your Exact Change.