Monday, May 23, 2016

Sapat na suportang legal para sa mga enforcement officers, aaprubahan na sa pinal na pagbasa

Aaprubahan na sa pngatlo at pinal na pagbasa bago sumapit ang ika-30 ng Hunyo ng kasalukuyang taon ang panukalang batas na magpapaibayo sa probisyon na maggagawad ng libreng suporta sa mga law enforcement officer na tinataya ang kanilang mga buhay sa pagtupad lamang ng kanilang mga tungkulin.

Sa HB06413, gagawaran ng libreng legal assistance ang sinumang opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-alay ng kanilang mga buhay para lamang maprotektahan ang mga mamamayan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng lipunan.

Malimit kasi na nakaksuhan ang mga law enforcer sa prosecutor’s office, korte, administrative o alinmang competent body dahil sa mga insidente o mga insidenteng may kaugnayan sa kanilang pag-perform ng kanilang official duty.

Ang nabanggit na panukala na inihain nina Representatives Felix William Fuentebella, Silvestre Bello, George Arnaiz, Lino Cayetano, Jose Christopher Belmonte at Niel Tupas ay inisponsor at inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa plenaryo bago ang Kongreso nag-adjourn noong Pebrero para magbigay-daan para sa katatapos pa lamang.