Monday, May 30, 2016

Proklamasyon nina President-Elect Duterte and VP Rbbredo, inaasahan mamayang hapon

Ipinahayag ni Senator Aquilino Koko Pimentel III na ang napipintong proklamasyon nina President-elect Rodrigo Duterte at Vice President-elect Leni Robredo sa pamamagitan ng Joint Canvass Committee ay isasagawa mamayang hapon.

Ang planong proklamasyon ay isasagawa ngayong hapon ng Lunes, ayon pa kay Pimentel ng kanyang sinabi na maganda umano at natapos noong nakaraang Biyernes ang canvassing kung kaya’t nagkaroon ng pagkakataon ang mga staff ng naturang komite na maisaayos ang Joint Committee Report.

Si Duterte ang nanalo sa presidential race na nagtamo ng 16,601, 997 na boto habang si Robredo naman ay nakakuha ng 14,418,817 na boto sa pagka-vice president at ang National Board of Canvassers (NBOC) nagtapos ng kanilang bilangan na umabot sa 167 Certificates of Canvass (COCs).