Kumpiyansa
ang mambabatas na sa darating na labing-pitong Kongreso ng Pilipinas o sa 17th
Congress ay mabibigyan ng prayoridad at ang pagpapalawig at ang proteksiyon ng
ating kagubatan.
Sinabi ni Partylist Represenative Francisco Ashley Acedillo na nasaksihan
na umano natin ang bagsik at bangis ng kalikasan at ang global warming at climate change
ay naging tunay nang banta sa sangkatauhan kung kaya’t marapat lamang umanong
gawin na rin natin ang ating parte bilang mga mamamayan para kontrahin ang
problema sa tinatawag na diversity loss para sa future generations.
Maraming
mga inihaing panukala na tinalakay ang Committee on Reforstation na kung hindi
man maipapasa ngayong kasalukuyang Kongreso ay seguradong ihahain muli sa pagbukas
ng susunod na 17th Congress.
Dalawa sa mga
panukala ang inaasahang ihain muli at ito ay ang HB03556 na maguutos sa mga
mag-aaral na magtanim ng sampung punong kahoy kada taon nina Representative
Rufus at Maximo Rodriguez at ang HB00972 na magre-require sa lahat na mga graduating
na mga estudyante sa elementary, high school at college na magtanim ng sampung
puno bawat isa bilang pagsunod sa requirement para sa graduation na inihain
naman nina Partylist Representatives Acedillo at Gary Alejano.