Monday, May 23, 2016

OWWA Act nilagdaan na bilang isang ganap nan a batas

Pinasalamatan ni Tarlac Representative Susan Yap si Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa paglagda nito ng panukalang magtatatag ng isang panibagong karta ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kamakailan lamang.

Sinabi ni Yap, may akda ng panukala, na ang RA10801 ay magtatalaga ng mga guideline para sa mga bagay hinggil sa OWWA, ang madato nito, ang layunin at objectives, membership, collection ng mga kontribusyon at ang pag-aavail ng mga benepisyo at mga serbisyo nito.

Ayon pa kay Yap, ang bagong batas na ito ay magbibigay kaseguruhan din na ang batas hinggil OWWA ay kakatawan sa mga palisiya tungkol sa pagpopondo nito, kasama na ang management ng ponding ito, ganun na rin sa mga programa at service administration nito.

Batay sa batas na ito, ang OWWA ay sasailalim sa pangangasiwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pamumunuan at nasa control ng Board of Trustees na siyang tatayo bilang policy-making body at ang Board of Trsutees naman ay binubuo ng Seretary ng DOLE bilang chairman, OWWA Adminitrator bilang vice chairperson, Secretaries of Foreign Affairs (DFA), Budget and Management (DBM), at Administrator ng Philippine Oversear Employment Administration (POEA) bilang mga miyembro ng naturang lupon.