Wednesday, May 04, 2016

Marapat nang wakasan ang labor contractualization sa bansa, Nograles

Humihingi ng suporta sa kanyang mga kapwa kongresista ang tagapangulo ng House Committee on Labor and Employment na maipasa na ang iilang mga nakabinbing panukala sa Kongreso na tutuldok o wawakas sa kagawiang kilala sa katawagang “endo” o yaong tinatawag na labor contractualization.

Sinabi ni Davao City Representative Karlo Alexei Nograles, chairman ng nabanggit mna komite na at least may tatlong mga panukalang inihain sa Mababang Kapulungan na tumatalakay sa mga deperensiya sa PD 442 o ang inamiyendahang Labor Code of the Philippines at bigyan ng alternatibong solusyon ang political gridlock ng mga manggagawa at ng mga employer sa usaping contractualization na mas kilala sa katawagang “endo” o end of contract.

Ayon pa kay Nograles, ang mga bill na ito ay may layuning ma-institutionalize ang iilang mga approach na ginagamit ng Department of Labor and Employment upang tugunan ang isyu ng endo o contractualization na parang katumbas na rin sa pag-iwas sa mga labor laws on standards and occupational safety and health standards, security of tenure, ang right to self-organization at ang collective bargaining agreements.