Ito ang
mariing ipinupursige ni Cebu Representative Gabriel Luis Quisumbing sa kanyang mga
panukalang batas na inihain sa Kamara de Representantes na may magkaka-ugnay na
paksa na tinatalakay ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms na
pinamunuan ni Capiz Representative Fredenil Castro.
Sinabi ni Quisumbing na dahil sa pisikal na kondisyon ng mga PWD at ng mga Senior Citizen, sila napapagkaitan sa kanilang mga karapatan o right of suffrage tuwing araw ng halalan dahil sila nakikipagsabayan sa mga botante upang makaboto at alam naman natin umano na ang suffrage o pagboto ay ang tinatawag na lifeblood of a democracy.

Si
Quisumbing ang may akda ng sumusunod na dalawang mga panukalang tinatalakay sa
nabanggit na komite: ang HB04545 na kilalang “the early voting for senior
citizens act,” at ang HB04546 “the early voting for persons with disabilities
(PWDs) act.”
Umaasa si Quisumbing na kung hindi man pumasa at
maging ganap na batas ang kang kanyang mga panukala ngayong kasalukuyang 16th
Congress na siyang magtatapos sa ika-10 ng Hunyo ng kasalukuyang taon, mabibigyan
ng prayoridad ng susunod na 17th Congress ag kayang inisyatibang
magbibenipisyo sa milyon-milyong mga Senior Citizens at PWDs.