Ipinaliwanag
sa panukala ni Lanete, ang HB06293, na ang Financial literacy o kaalamang pinansiyal
ay ang kapasidad na magamit ang knowledge at skills na gawing epektibo at may
kaalaman hinggil sa money management decisions.
Ayon sa kanya, ang personal financial literacy ay binubuo ng malawak na paksa hinggil sa pera, mga pang-araw-araw na kaalaman kagaya ng pagbabalanse ng checkbook at pagpaplano ng kinabukasan tungkol sa pera pati na rin ang pagpaplano para sa pagriretiro.