Ito
ang pinahayag ni House of Representative Secretary General Marily Barua Yap ng
kanyang sinabi na ang mga kinatawan ng bawat legislative district ay kailangang
magsumite ng original na kopya ng Certificate of Canvass of Votes and
Proclamation (CCVP) na inisyu ng Provincial, City o District Board of
Canvassers, kasam na rin ang kanilang mga Oath of Office na nilagdaan ng duly
authorized official.
Samantala,
ang mga party-list representatives ay kailangang magsumite naman ng Certificate
of Proclamation ng kanilang Party-list na inisyu naman ng COMELEC National
Board of Canvassers at isang valid proofing kanilang pagkatalagabilang official
nominee ng kanilang party-list at kasama na rin ang kanilang Oath of Office.
Ayon
pa kay Yap, ang kanilang terms of Office bilang mga miyembro ng 17th
Congress ay maguumpisa sa July 1, 2016 at ang kanyang tanggapan ay umpisa nang
tatanggap ng mga credential.
Ang
mga bagong kinatawan ay bibigyan ng orientation hinggil sa proseso na nirerequire
para sa kanilang assumption into office.