Monday, April 18, 2016

Night high school sa bawat distrito, ipinanukala

Magkakaroon na ng night high school ang bawat congressional district sa buong bansa upang mabigyan ang mga kabataan ng access o paraan sa basic education.

Inihain ni Representative Alfredo Vargas ng ika-limang distrito ng Quezon City ang kanyang panukala, ang HB06493 at kanyang sinabi na ang pagbukas at pagtatag ng night high school ay maaaring magiging solution sa problemang dropout o pagliliban sa pag-aaral ng mga kabataan.

Ayon kay Vargas, ang kanyang panukala ay batay na rin sa polisiya ng Estado na protektahan at palawigin ang karapatan ng bawat mamamayan upang magkaroon sa di-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas at ang edukasyon ay dapat abot ng lahat.