Ayon sa
inihaing HB05974 ni Valenzuela City Representative Sherwin Gatchalian, layunin
nito magkaroon ng National Public School Information Office na siyang
mag-develop at magmintina ng isang database na naglalaman ng impormasyon
hinggil sa isang estudyante kagaya ng mga grado sa eskuwela, personal data,
good moral record at improvement tracking.
Sinabi ni
Gatchalian na ang naturang panukala ay hindi lamang magsesilbe bilang isang
bahagdan para sa proteksiyon o safekeeping ng mga mag-aaral kundi pati na rin
ang pagkakaroon ng pagpapaibayo ng mabilis na public access to edukasyon.
Sa ilalim ng
panukala, tanging ang mga school administratior ang bibigyan ng kapangyarihan
na magkaroon ng access sa mga datus na nakapaloob sa naturang database.