Monday, April 18, 2016

Mga probisyon sa legal separation, palalawigin

“Hindi mawawalang-bisa sa pamamagitan ng legal separation ang paghihiwalay ng mag-asawa, ngunit ito ay makakapawi sa pagdurusa ng naaagrabiyadong partido.” Ito ang tinuran ng dalawang mambabatas sa kanilang paghain ng panukala, ang HB05238.

Sinabi nina Gabriela partylist Represenatives Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan, mga may-akda ng naturang panukala, na sakaling maipasa ang kanilang proposal, palalawigin nito ang mga batayan sa legal separation sa pamamagitan ng pagbibigay ng opsiyon sa kabiyak, lalu na ang esposa o babae, na maka-iwas o umalis sa isang magulong pagsasama.

Isa sa mga mahahalagang probisyon na nais isama sa batas ay ang pagsasama sa mga batayan o grounds para sa legal separation ang physical, psychological, financial or economic or sexual violence, o anupamang serious banta o attempt to inflict violence against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner.

Iginiit ng mga mambabatas na ang mga naturang amiyenda sa batas ay naaayon na rin sa Magna Carta of Women na ipinasa na upang makamit at mapaganda pa ang mga karapatan ng mamamayan sa kanilang pantaong dignidad.