Tuesday, April 26, 2016

Mandatory PhilHealth coverage para mga PWD, itinutulak sa Kamara

Mariing itinulak ni Quezon City Representative Alfredo Vargas ang kanyang panukala, ang HB06251 na magmamando sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na i-enrol ang lahat na mga may kapansanan o yaong tinatawag na mga PWD o persons with disability sa National Health Insurance Program (NHIP) ng nabanggit na tanggapang pamahalaan.

Sinabi ni Vargas na ang pag-amiyenda sa RA 7277, as amended, na kilala bilang Magna Carta for Persons with Disability ay magmamando sa PhilHealth na ang lahat na mga PWD ay kailangang maisama na maging miyembro ng naturang programa dahil may iilan pa ring mga may kapasanang hindi nai-enroll sa NHIP.

Ayon sa kanya, ang pondo para sa naturang programa ay manggagaling sa proceeds sa koleksiyon ng sin tax batay na rin sa probisyon ng RA10351 na kilala bing Sin Tax Reform Law of 2012.

Idinagdag pa ni Vargas na ang mga PWD ay kumakatawan sa isa sa mga sector kung saan prayoridad sila sa health development na binanggit sa 1987 Constitution batay na rin sa
Social Justice and Human Rights clause.