Thursday, April 21, 2016

Mabigat na parusa para sa mga kontrabando sa mga pihitan, pabibigatin pa

Hiniling ngayon ng isang mambabatas na papatawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang magbigay, tumulong o magkubli sa pagpasok ng anumang uri ng kontranado sa loob ng mga pihitan sa buong bansa.

Layunin ng HB05312 na inihain ni Cavite Representative Roy Loyola na matuldukan na ang katiwalian sa mga prison facility na paulit-ulit na nagaganap sa pamamagitan ng pagpapataw ng mas mabigat pang kaparusahan na kinakailangan upang mapaganda ang prison system ng bansa.

Ang panukalang ito, ayon pa sa mambabatas, ang unang hakbang na kinakailangang gawin sa ating mga pihitan at tiwala siya niya na ang pagpataw ng mas mabigat na parusa ay makapag-bibigay takot sa sinumang may balak na gawin ng nasabing krimen.

Tinukoy ni Loyola ang mga sumusunod: dangerous drugs, controlled precursors at chemicals, laboratory equipment at iba pang mga drug paraphernalia, inuming nakakalasing, pera, signal jammers at iba pang mga communication gadgets bilang mga kontrabando batay na rin sa batas.