Tuesday, April 19, 2016

Gawing boluntaryo at hindi na cumpolsory sa mga teacher ang manilbihan sa eleksiyon, ganap na na batas

Naging ganap na na batas ang naunang panukala sa mababang kapulungan, ang HB05412, na may layuning gawing boluntaryo na o non-compulsory na para sa mga guro sa pampublikong paaralan na maninilbihan bilang mga kagawad o yaong tinatawag na electoral boards o EBs sa halalan tuwing nagaganap ang eleksiyong lokal at nasyonal.

Natakalatag din sa batas ang mga benepisyo sa mga magsisilbe sa eleksiyon kung saan ang Chairperson of Electoral Boards ay makatatanggap ng P6,000.00, Members of Electoral Boards ay P5,000.00, DESO ay P4,000 at Support staff ay P2,000.00.

Dati-rati, requirement para sa mga public school teachers na magsilbe tuwing nagaganap ang halalan batay na rin sa dating batas hinggil sa eleksiyon.

Nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang naturang batas, ang Republic Act No. 10756 noong nakaraang ika-8 ng Abril 2016,  hudyat na ito ay handa nang ipatupad sa darating na eleksiyon.

Ang batas ay pinamagatang “An Act Rendering Election Service Non-Compulsory for Public School Teachers, Authorizing the Appointment of Other Qualified Citizens, Providing for Compensation and Other Benefits."