Ipinanukala ngayon sa Kamara ngayon na ipapasakop sa Government Service
Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) ang lahat nang informal
sector kagaya ng ordinaryong magsasaka, mangingisda, home-based workers,
industrial home-based workers, self-employed, vendors, drivers, operators of
jeepneys and tricycles, domestic helpers, small scale miners, workers of
barangays, micro business enterprise, waste pickers and recyclers, on-call
workers, volunteer workers, unpaid family workers at seasonally hired workers.
Batay sa panukala, ang HB06182 na iniakda ni TUCP partylist Rep Raymond Democrito Mendoza, marapat lamang na magbigyan ng proteksyon sa pamamagitan ng pagtatatag ng institutional mechanism para sa informal sector na karaniwang matatagpuan sa agriculture, commerce, construction, transportation, manufacturing at services.
Sinabi ni Mendoza na sila ang mga casual, irregular o mga trabahador na palipat-lipat ng trabaho at pinapasukang trabaho.

Sa ilalim ng panuakala, bibigyan ang mga
informal workers ng karapatang na mamuhay ng maginhawa at mgkaroon ng patas na
oportunidad para sa pagtataguyod, kaligtasan at kalusugan sa kanilang
pinagta-trabahuhan.
(30)