Tuesday, May 08, 2012

Pagkalugi ng Land Bank dahil sa mga unpaid loan, pinai-imbistigahan

Batay sa 2010 report ng COA o ng Commission on Audit, tinatayang aabot sa P471.19 milyon ang nalugi sa Land Bank of the Philippines (LBP) sa utang ng cooperatives at countryside financial institutions

Sinabi ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez sa kanyang HR02129 na ito ay mga uncollectibles ng nabanggit na bangko dahil hindi na mahagilap ang mga umutang nito kaya’t ipinanukal niya na magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso para malaman kung bakit nalugi ang naturang bangko ng halos kalahating bilyong piso kaya’t iminungkahi niyang imbestigahan ito ng House Committee on Government Enterprises and Privatization.

Napag-alaman sa COA na ang malaking karagdagang uncollectibles sa tax lending policy na ginawa ng banko noong 2009 ayhindi na nangailangan ng comprehensive surety agreement at ang iba pang collateral requirements para sa ilang umutang na nagkaka-halaga at umabot sa 882 percent increase, over sa P47.982 million write-offs sa 2009.

Ayon sa kanya, sa write-offs account nitong 2010, 88.08% ang tumutukoy sa cooperatives, habang 11.92% naman ang tumutukoy sa countryside financial institutions.

Patuloy na pinalawak ng Land bank ang loan portfolio nito na pumapabor sa mga pangunahing sector gaya ng mga magsasaka at mangingisda, small and medium enterprises and micro-enterprises, livelihood loans at agribusiness, agri-infrastructure at iba pang agri and environment-related projects, socialized housing, schools at hospitals.

Nooong 2010, lalo pang pinasigla ng LBP ang kanilang lending drive at mahigit P32 bilyon  ang ipina-utang nila sa mga magsasaka at mangingisda ngunit gayunpaman, nalugi ang Land Bank ng halos kalahating bilyon pisong pautang dahil na rin sa kanilang kaluwagan sa pagbibigay ng pautang.

---