Naghain
sina BUHAY partylist Reps Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde ng isang
panukalang batas na mag-uutos
sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na gumamit ng trak ng basura na may
lulan nang compactor para sa koleksyon at
transportasyon ng mga basura.
Sinabi
ni Tieng na inihain nila ang HB06117 sa layuning matugunan ang tumataas na
bultong basura sa komunidad at sa pangangailangang sumulong ang sistema ng
bansa sa pagkoleta at pagtatapon ng basura.
Idinagdag
pa ni Tieng na ang bawat Filipino na naninirahan sa Metro Manila ay may basura
na hindi bababa
sa kalahating kilo araw-araw.
Sa pupolasyon na
mahigit 10 milyon, ang tinatayang basura sa Metro Manila lamang ay maaring umabot sa mahigit dalawang milyong metrikong
tonilada kada taon.
Sinabi naman ni
Velarde na kahit na naipasa na ang Ecological Solid Waste Management Act,
patuloy pa rin ang pagdami ng basura kahit na gumagawa ng paraan ng gobyerno
para labanan ang problema sa basura.
---