Monday, May 28, 2012

National Food Security Council, itatatag

Isinulong ngayon ni Davao City Rep Isidro Ungab ang paglikha ng isang ahensiya na magsisilbi bilang main policy-making at coordinating body ng pamahalaan na mamamahala para matamo ang layunin ng bansa sa food security at self-sufficiency.

Sa ilalim ng HB06035 na kilalaning National Food Security Act at hangarin ng panukalang ito na matamo ang sustainable long-term food security para sa mamamayang Filipino.

Sinabi ni Ungab na nakakapinsala sa agrikultura ang epekto ng pagbabago ng panahon, dahilan para bumaba ang reserba ng pagkain kaya’t napipilitang hindi na magluwas ng pagkain ang mga pangunahing bansa para tiyakin ang kanilang pangangailangang pagkain.

Ayon kay Ungab, ang bigas ang pangunahing pagkain ng Filipino at kung gusto naman daw natin na makamtan ang food security ng bansa, kailangan umanong maging self-sufficient tayo sa bigas.

---