Iminungkahi ngayon sa Kamara na gawing isa sa mga paksa sa curriculum sa mga
pampubliko at pribadong paaralan sa banasa ang Moro o Bangsamoro.
Sa inihaing HB00270 ni Aurora Rep Juan Edgardo Angara, sinabi nito
na kailangang malalim na malaman ang problema ng Moro, na siyang historical at
systematic marginalization at minoritization ng Islamized ethno-linguistic
groups na kinabibilangan ng Moro nation o Bangsamoro.
Ayon kay Angara maaari umanong itatag ang kapayapaan kung magkakaroon ng pag-unawa ang bawat isa dahil matagal nang hindi nagkakaroon ng magandang relasyon ang Muslims at Christians at matagal na ring inaasam ang lasting peace sa pagitan ng Muslims, Christians at Lumads.
Idinagdag pa niya na nag-umpisa raw ang problema sa kapayapaan buhat pa noong Spanish era at sinundan ng Americans at ang pinakahuli, ang humalili ang Philippine governments na pinangibabawan ng mga piling-tao na may Christian-Western orientation.
Ito umano ang background ng kasalukuyang armed struggle na nakapaloob noon pang late 1960s at early 1970s at nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon at ang kapayapaan ay nagsisimula sa puso’t damdamin ng isang tao, at ang isa sa pinaka-importanteng institusyon para dito ay ang paaralan o educational system.

---