Ipinanukala ngayon sa Kamara
bilang paghahanda sa mga kabataan na maging lider sa hinaharap na atasan ang mga
Sangguniang Kabataan o SK na maghanda para sa implementasyon ng proteksyon sa kapaligiran at paghahanda at pagtulong sa mga
biktima ng kalamidad.
Sinabi ni Kabataan partylist Rep
Raymond Palatino na sa kanyang iniakdang HB05836, kailangang matutunan ng mga kabataan
ang labanan upang sila ay makagawa ng makabuluhang bagay para sa lipunan at mabigyang
importansya ang proteksyon ng kapaligiran at
paghahanda sa kalamidad.
Madalas pintasan umano ang mga SK
dahil na rin sa kakulangan ng kalinawan pagdating sa mga makabago at kailangan proyekto
para sa komunidad.
Ayon sa kanya, madalas daw ang
bansa pasukin ng mga kalamidad at nandiyan daw ang lindol, bagyo, land-slides at iba pang mga disaster, kapwa
natural and man-made na nagriresulta ng pagkamatay ng buhay at pagkawala at
pagkasirang mga
kagamitan at ari-arian.
Naiiwasan sana umano ito o na-minimize sana kung
malinaw ang environment at disaster management
program na ipinatutupad.
Idinagdag pa ng
mambabatas na ngayon na ang tamang panahon para sa mga kabataan na kumilos at manguna sa relief at rescue missions.
---