Idideklarang pambansang bulaklak o national flower ang Waling-waling batay sa inaprubahan sa ikalawang pagbasang HB05655 na iniakda ni Davao City Rep Mylene Garcia-Albano.
Sinabi ni Albano na ang Waling-waling ay hindi lamang isang indigenous flower kundi isang ring endemic sa bansa kumpara sa Sampaguita, na isang native plant mula sa India at Arabia na ideneklarang Philippine national flower sa ilalim ng Proclamation No. 652 noong taong 1934.
Ang Waling-waling na isang magandang uri ng orchids ayon pa kay Albano at kilala sa tawag na Vanda Sanderiana, ay matatagpuan sa kagubatan ng Mount Apo sa Davao at Zamboanga del Sur.
Idinagdag pa ni Albano na ang Waling-waling na kinilala din bilang Queen of Philippine Flowers, ay tanyag sa Singapore, Thailand, Hong Kong at Hawaii bilang isang sikat na orchid sa buong mundo.
---