Tuesday, February 07, 2012

Pagtatatag ng special court para sa ari-arian ng namatay, iminungkahi

Itatakdang magtalaga ng isang partikular na RTC o Regional Trial Court na siyang magsisilbing special court na tututok sa lahat ng kasong may kinalaman sa kayamanan at ari-arian ng mga namatay na indibidwal para maisaayos kaagad ang mga kasong ito.

Batay sa HB05705 na tatawaging Act Establishing Estate Settlement Courts, bibigyan ng esklusibong hurisdiksyon ang nabanggit na special court para mag-ayos ng mga kaso na siya namang tututukan ng isang sangay ng RTC.

Layunin din ng HB05705 na amiyendahan ang BP Blg 129 na kilala sa tawag na Act Recognizing the Judiciary na isinabatas noong taong 1981.

Ayon kay Iloilo Rep Arthur Defensor Jr, layuunin ng panukalang ito ang madali at manilis na pag-release ng ari-arian sa komersiyo para sa pagninegosyo, makapagbibigay ng trabaho at makakatulong sa paglago ng ekonomiya.

---