Monday, February 06, 2012

National Crime Database Act of 2012, isinulong sa Kongreso

Ipinanukala ni Marikina City Rep Marcelino Teodoro sa HB05709 na atasan ang National Bureau of Investigation o NBI at Philippine National Police o PNP na magbigay ng impormasyon at talaan para sa national Identification Index at sa national Fingerprint file upang makapagbigay ito ng mga ulat sa hinaharap na panahon.

Ang panukalang Ito ay tatawaging National Crime Database Act of 2012 at ito ay lilikhain para sa kumpleto at tamang talaan ng krimen na kailangan para labanan ng mga otoridad sa bansa.

Sinabi ni Teodoro na lalo umanong mapapadali ang pagreresolba at resolusyon ng mga kaso na ini-imbestigahan ng mga otoridad kung mayroon silang kakayanang para i-update ang mga criminal record.

Ayon kay Teodoro lalong tumataas ang kriminalidad at patuloy na naghahasik ng krimen ang mga masasamang-loob para guluhin ang kapayapaan ng komunidad at ang naging mga biktima nila ay ang mga walang malay na mga indibiduwal.

---