Isinumite na kahapon ng prosecution panel ang sagot ng mga kongresista sa tugon ni SC Renato Corona sa impeachment laban sa kanya.
Sa 38-pahinang dokumento na ipinareseb ng House prosecution panel na pinangunahan ni Iloilo Rep Niel Tupas, Jr. sa Senado, nakapaloob dito ang punto por puntong sagot ng mga kongresista sa mga banat ni Corona sa impeachment laban sa kanya.
Sinabi ni Tupas na nais lamang ng sambayanan na maisiwalat ang katutohanan at marapat lamang umanong isagawa ito alang-alang sa kapakanan ng bayan.
Sa kanilang dokumento, iginiit ng mga rosecutor na hindi si Pangulong Aquino at ang Liberal Party ang pasimuno ng impeachment ni Corona bagkos ito ay isang pagkilos ng soberanya na sumusuporta sa pangulo ng bansa.
Ayon pa sa kanila, si Corona lang, at hindi ang Korte Suprema bilang institusyon ang puntirya ng impeachment at pakay umano nila na papanagutin si Corona sa personal nitong pagboto pabor kay dating Pangulong Gloria Arroyo sa maraming kaso.
May mga kasalanan daw si Corona sa bayan at kabilang umano dito ang pagpayag ng korte na makaalis ng bansa si Ginang Arroyo, pagpapalit-palit ng desisyon ng korte sa kaso ng flight attendants ng Philippine Airlines, at pagpigil noon sa impeachment ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, na kakampi rin ni Arroyo.
Umaasa naman ang Malakanyang na hindi haharangin ng Korte Suprema ang impeachment ni Corona at nananawagan ang House prosecution panel sa Senado na ituloy ang impeachment trial at patalsikin si Chief Justice Corona.