Wednesday, January 25, 2012

Pansamantalang suspensiyon ng mga loan at contribution sa GSIS, SSS at Pag-ibig, hiniling

Iminungkahi ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez at Abante Mindanao partylist Rep Maximo Rodriguez, Jr. sa GSIS o Government Service Insurance System, SSS o Social Security System at Pag-IBIG na pansamantala munang isuspendi ang mga bayarin sa loan at kontribusyon ng mga miyembro na grabeng naapektuhan ng bagyong Sendong, partikular na sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Ito ang apila ng magkapatid sa Kamara at hiniling nila na pagtibayin ang HR02021 para maibsan at makatulong ito sa mga biktima ng nabanggit na bagyo sa naturang mga siyudad.

Batay sa resolusyon, inaatasan nito ang GSIS, SSS at Pag-IBIG na ipahintulot ang isang taong moratorium sa loan payments at contributions ng mga biktima ni Sendong.

Bagamat nag-isyu si na Pangulong Aquino ng Proclamation No. 303 na nagdideklarang state of national Calamity sa mga nabanggit na lungsod, sinabi nmagkapatid na Rodriguez na hindi umano sapat ang tulong na ito sa malubhang pinsala sa dinanas ng mga biktima.

Bukod sa pagbibigay ng isang taong moratorium sa mga bayarin at kontribusyon, inaatsan din ang GSIS, SSS at Pag-IBIG na madaliin ang pag-apruba sa loan application ng mga biktima.

---