Friday, January 20, 2012

Pagkabilanggong panghabambuhay, parusa sa mga carnapper

Iminungkahi ni Quezon City Rep Jorge Bolet Banal na gawin nang habambuhay na pagkakabilanggo ang parusang ipapataw sa carnapper kung napatay nito ang may-ari, driver at nakasakay sa kinarnap nitong sasakyan o kung nagtamo ang mga biktima ng sugat sa katawan.

Layunin ng HB05664 ni Banal na patawan ng mabigat na parusa ang mga carnapper upang matugunan ang lumalalang insidente ng carnapping sa ating bansa.

Sinabi ni Banal na sinasantamala ng mga kriminal ang umiiral na batas at hindi ang mga ito natatakot dahil madali silang makapag-piyensa para ituloy ang kanilang modus operendi.

Binanggit ni Banal ang isang probisyon sa Saligang Batas na nagsasabing bago ang conviction ng isang suspek maibba, maaari itong magpiyansa, subalit hindi sakop nito ang kasong may hatol na habambuhay na pagkakabilanggo at may matibay ang ebidensya.

Dahil nga ang kasong carnapping ay nagreresulta lamang sa physical injuries, rape at kamatayan ng biktima, iminunglahi ni Banal na amiyendahan ang Section 14 ng RA06539 o ang Anti-Carnapping Act of 1972.

----