Friday, January 13, 2012

Gagawin nang P5M ang pondo ng National Museum

Pumasa na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang magpapayag sa National Museum na gamitin ang kanilang kinikita upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Sinabi ni Muntinlupa Rep Rodolfo Biazon na pinapayagan ng panukala na gamitin ng National Museum ang kanilang kinikita ngunit hindi dapat lumampas ito sa P5 milyon kada taon na galing sa proceeds of sale, reproduction, cultural items, publications, creation, restoration, conservation, identification, earnings mula sa planetarium programs, entrance fees at iba pang auxiliary services nito.

Ayon kay Biazon, sa umiiral batas, pinapayagan umano ang Museum na gumastos lamang ng P2 milyon kada taon at limitado rin ang paggamit nila para sa maintenance at iba pang auxiliary expenses.

Layunin din daw ng panukala na amiyendahan ang charter ng National Museum para maitaas ang halaga na dapat nilang gamitin bilang revolving fund mula sa P2 milyon at ito ay gagawing P5 milyon na.

Idinagdag pa ni Biazon na gagamitin umano ang revolving fund para sa upgrading at modernization ng communication at transportation facilities; repair and rehabilitation ng structure at facilities ng mga tanggapan, koleksyon at acquisitions; updating ng insurance payments nito; tataasan ang level of security na ginagamit nito; at popondohan ang para sa mga gastusin sa reproduction at acquisition ng mga cultural items at iba pang mga auxiliary activities.

----