Nagsagawa na ng mga pagdinig ang House committee on National Cultural Communities upang mailatag ang kabuoang framework sa mungkahing Indigenous Peoples Scholarship Program para maitaguyod ang kalagayan ng mga indigenous people sa pamamagitan ng edukasyon.
Sa pangunguna ni Ifugao Rep Teddy Brawner Baguilat, tinatalakay ng nabanggit na komite ang HB01347 upang maitatag ang nationwide Scholarship Program para sa mga kapatid nating katutubo.
Sinabi naman ni Iloilo Rep Augusto Syjuco na ang kanyang panukala ay magbibigay ng kahulugan at katiyakan para sa affordable, accessible at quality education para sa mga indigenous people.
Ayon sa kanya, ang edukasyon ang isa sa susi para sa mapanatili ang maunlad na ekonomiya at ang mga katutubo ay nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.
Sinuportahan ni Baguilat ang mungkahi ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez na maglaan ng halagang P200 milyon para sa mga IPSP o Indigenous Peoples Scholarship Program.
---