Wednesday, December 21, 2011

Mga NGO, puwede nang sumali sa mga public hearing

Nakatakdang aprubahan sa ikawalang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong matiyak ang partisipasyon ng taumbayan o pribadong grupo sa mga congressional public hearing at local government unit budget deliberation sa pagpapatuloy ng sesyon sa Enero 2012.

Ang HB03773 na tatawaging tataguriang institutionalization of the participation of bona fide people’s organization in budget hearings and deliberations in Congress, National government agencies and LGUs.

Sinabi ni Deputy Speaker Lorenzo Tanada III, may akda ng HB03773, layunin umano nito na payagan ang taumbayan na gamitin ang karapatan sa partisipasyon sa public decision-making at makadagdag ng kaalaman paano ginagastos ang kaban ng bayan.

Inaatasan ng panukala sa pangunahing probisyon nito na ang aplikasyon para sa accreditation ay isusunite sa tanggapan ng kalihim ng Senado at sa Secretary General ng House of Represntatives at sa Local Sanggunian ng LGUs.

----