Tuesday, May 10, 2011

Safety and health standard, hihigpitan

Hiniling ngayon ni Kabataan partylist Rep Raymond Palatino sa kagawaran ng paggawa o sa DOLE, ang Department of Labor and Employment na ugaliing bisitahin at inspeksiyunin ang mga construction jobsites para matiyak na ang mga kumpanya ng construction ay sumunod sa ipinag-utos ng batas sa safety and health standards upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakuna sa mga jobsite.

Sinabi ni Palatino, batay sa kanyang HB04332, na dapat lamang umano na iwasto ang DOLE department order no. 57-04 na pinapayagan ang mga kumpanya na may 200 empleyado na magsagawa ng sariling pagmatyag bilang pagsunod sa nabanggit na standard o batayan.

Ayon kay Palatino, ipinag-utos sa Labor Code na bigyan ng kapangyarihan sa Secretary of Labor at ang kanyang mga kinatawan na mamahala at magpatupad ng batas sa pamamagitan ng pagbisita at pag-inspeksiyon sa mga construction site.

Walang na umanong saysay ang naturang kauutusan sa kasalukuyan dahil wala na itong kaugnayan sa kapangyarihan ng gobyerno na tiyakin ang pagsunod sa labor standards, partikular na sa pagsunod sa safety and health sa mga lugar ng paggawa.