Tuesday, May 31, 2011

Modernisasyon ng government arsenal, pinag-aaralan na sa Kamara

Upang mabawasan kung hindi man mawakasan na ang pag-aangkat ng small arms, high caliber, mortar at mga crew-served weapon ammunitions o mga bala ng nabanggit na mga armas na ginagamit ng ating military at kapulisan, iminungkahi ni Bataan Rep Albert Garcia sa kanyang inakdang panukala, ang HB00076, na i-modernisa ng ating government arsenal.

Sinabi ni Garcia na marapat lamang umanong gagawin ang pagdidesinyo, pagpapalawig, pag-manufacture, pag-procure, pag-stockpile at pag-allocate ng mga small arms, mortars at mga ammuniton para sa mga nabanggit na armas at iba pang mga munitions na ginagamit ng AFP o Armed Forces of the Philippine, ng PNP o Philippine National Police at ng iba pang mga law enforcement agencies, kasama na rin dito ang pagbibenta at pag-export ng magiging labis na gamit ng mga naturang establisiyemento.

Ayon sa kanya, itatatag din sa kanyang panukala ang isang agresibo at episiyenteng research and development (R&D) capability ng naturang programa, alisunod na rin sa Self-Reliant Defense Posture (SRDP) program ng pamahalaan.

Idinagdag pa ni Garcia na ang Government Arsenal Modernization Program ay popondohan sa pagpapatupad ng batas na ito ng P6.3 bilyon para sa inisyal na implementasyon ng naturang programa.

Ang nabanggit na panukala ay kasalakuyang tinatalakay at ginagawan ng pag-aaral sa House Committee on National Defense and Security na pinamumunuan ni Muntinlupa City Rep Rodolfo Biazon.