Wednesday, May 04, 2011

Kasalukuyang prayoridad ng gobyerno: pabahay

Tiniyak ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na nananatiling nakatuon sa isyu ng pabahay ang Kongreso bilang isa sa prayoridad ng gobyerno na mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng bawat Filipino.

Sinabi ni Speaker Belmonte na ang paglikha ng Department of Housing and Urban Development ay isa sa 23 prayoridad na kinilala sa huling pagpupulong ng LEDAC o Legislative Development Advisory Council na pinangunahan ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino at ito rin ang isa sa pangunahing malasakit ng Kamara.

Ayon sa Speaker, bago magtapos ang taong 2011 ay nakahanda ang Committee on Housing and Urban Development sa pangunguna ni Rep Rodolfo Valencia at Committee on Government Reorganization sa pamumuno ni Rep Cesar Jalosjos na iulat at takalayin ito sa plenaryo.

Sinabi naman ni Valencia na mahabang panahon na rin umanong naghihintay ang Filipino at talagang tunay na may pangangailangan maglikha ng naturang departamento para matugunan ang kakulangan sa serbisyo ng pabahay.