Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang maggagawad ng karagdagang sahod sa mga kasapi ng AFP o Armed Forces of the Philippines na ina-assign bilang miyembro ng peacekeeping at expeditionary contigents sa ibang bansa.
Batay sa HB04617 na prinsipal na iniakda ni Muntinlupa City Rep Rodolfo Biazon, ang mga opisyal at enlisted men na madi-deploy bilang bahagi ng peacekeeping forces sa ibayung dagat ay makatatanggapng ng karagdagang bayad na katumbas ng 25% para sa officers at 75% para sa enlisted men sa kani-kanilang mga sahod habang sila ay sa loob ng kanilang tour of duty at ang benepisyong ito ay bukod pa sa iginagawad na monthly allowance ng UN o United Nations.
Sinabi ni Biazon na marapat lamang na magkakaroon ng special pay rates at allowances para sa AFP expeditionary at peacekeeping contingents na nagsiselbi sa ibayung dagat batay sa naging commitment ng Pilipinas sa pagpapatupad ng mga sanction at polisiya ng UN.
Ayon sa kanya, nakapagpadala na daw tayo ng contingents sa ibat-ibang bansa kagaya ng Congo, Korea, Vietnam, Haiti at East Timor upang ipatupad ang mga sanction at polisiya ng UN at sa kasalukuyan, sa Africa at Middle East.
Maliban sa nilagdaang RA00573 noong ika-7 ng Setyembre 1950 ang pagkakatatag ng PEFTOK o Phiippine Expiditionary Force to Korea, wala na umanong batas na nagtatadhana ng mga pasahod at finacial support na nararapat na tatanggapin ng mga miyembro ng contingent.
Dahil sa kawalan ng panibagong guidelines hinggil sa usapin, naging mababa ang tinatanggap ng mga na-deploy na mga AFP peacekeeping force members kung kayat dapat lamang umanong magkaroon ng batas para dito.