Madaragdagan na ang tatanggaping pension ng mahigit 25 milyong miyembro ng SSS o Social Security System na retirado ng P7,000 retirement pension kapag naging ganap na batas ang HB04365 na iniakda nina Bayan Muna partylis Reps Neri Javier Colmenares at Teodoro Casiño.
Sinabi nina Casiño at Colmenares na malaki umano ang maitutulong nito sa mga SSS retiree para makaahon sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Sa kasalukuyan, tumatanggap ang isang SSS retiree na mayroong 10 credited years of service ng buwanang pensyon na P1,200 at ang may 20 credited years ay tumatanggap ng P2,400.
Sa ilalim ng batas, ang minimum na buwanang pensiyon ay P4,000 at taun-taon ay tataas ito ng P500 kada buwan hanggang maabot ang minimum na buwanang pensiyon na P7,000.