Sapilitang ini-atang ang responsibilidad sa pagkupkop ng mga barangay para mapanatiling maayos at malinis ang mga lansangan o highways at mga dalampasigan o shorlines sa kanilang mga nasasakuoang lugar.
Ito ang isinusulong at layunin ng HB04398 na inihain ni Southern Leyte Rep Roger Mercado at kanyang sinabi na bagamat kadalasan ay wala sa posisyon ang pamahalaan para i-monitor ang kalagayan ng mga national highway at mga shoreline na libu-libong kilometro, marapat lamang daw na ibigay ang responsibilidad sa barangay para mapanatili itong malinis at maayos.
Dapat lamang umanong pangalagaan ng barangay ang mga ito mula sa mga bagay na maaaring makasagabal sa daloy ng trapiko at makasira sa kagandahan ng dalampasigan.