Isinusulong ngayonsa Kamara de Representantes ang pagsasabatas ng panukalang naglalayong magkaroon ng partisipasyon ang mamamayan sa deliberasyon ng paglalaan ng pondo sa pamahalaan nasyunal at maging sa mga lokal na pamahalaan.
Naniniwala si Deputy Speaker at Quezon Rep Lorenzo TaƱada III, pangunahing nagsusulong ng HB03773, na susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso ang kanyang panukala, na naglalayong gawing legal ang partisipasyon ng mga bona fide civil society organizations (CSOs) sa pagdinig at deliberasyon sa mga usaping may kinalaman sa pagpopondo ng pamahalaan.
Tatawaging People’s Participation in Budget Deliberation Act ang panukala na inaasahang pag-uusapan na sa bulwagan sa Kamara at papasa sa ikalawang pagbasa anumang araw sa loob ng buwang ito.
Sinabi naman ni kay CoopNatco Rep Cresente Paez, isa sa mga nagsusulong sa panukala, na kung magkakaroon ng partisipasyon ang mamamayan sa mga usaping pagpopondo sa pamahalaan, magkakaroon ng mas mabisang pagdedesisyon at ang pananagutan sa bayan ng mga namumuno ay mas mabibigyan ng bigat at importansiya.
Batay sa panukala, ang lahat ng People’s Organizations (POs) or Non-Governmental Organizations (NGOs) na kikilalanin ng pamahalaan ay maaaring magsumite ng kanilang mga posisyon at suhestiyon kung papaanong popondohan ang isang programa, aktibidad o proyekto.
Magkakaroon din ng karapatang makakuha ng kopya ng mga panukalang batas at mga suhestiyon kung saan at magkano ang pondo sa isang proyekto, ahensiya at programa na magmumula sa Senado, Kamara at sa lokal na sanggunian.