Pinahayag ni Justice Committee chair at Iloilo Rep Niel Tupas Jr. na tugma ang nilalaman ng kanilang committee report katulad sa inisyal na pag-uulat ng Senate Blue Ribbon Committee para ipa-impeach si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa isyu ng plea bargaining agreement sa Garcia case dahil ang akto naman daw ng ombudsman sa plea bargaining ay act of betrayal of public trust.
Ayon kay Tupas, isa sa 6 na alegasyon sa omplaint ay ang low conviction rate at ang incompetence sa pagpasok sa plea bargaining agreement, ngunit mabililis namang nilinaw nito na masusing pinag-aaralan umano ito ngayon ng legal team ng committee kung isasama sa impeachment trial sa Senado.
Idinagdag pa niya na ang plea bargain ay general statement sa complaint na inihain ng grupo ng Akbayan.
Kumuha na rin daw sila ng external counsel para sa drafting ng articles of impeachment at sa kasalukuyan, wala pang desisyon ang legal team kung isasama ang Garcia plea bargain.
Ngunit kahit wala daw ang Senate blue ribbon committee report ay malakas ang ebidensiya laban sa Ombudsman sa kaso ng fertilizer fund scam.