Agarang pagsasabatas ng panukalang magtatatag ng Millennium Development Fund na siyang daan upang makatugon sa pangako ng bansa hinggil sa Millennium Development Goal ay sinusuportahan ng ilang ahensiya ng pamahalaan.
Ang HB03252 na inihain ni Ilocos Norte Rep Imelda Marcos na aniya ay siyang magiging daan upang mapondohan ang mga pangunahing proyekto ng MDG ay buong sinusuportahan ng Social Work and Development sa pamumuno ni division chief Cynthia Lagasca.
Pinapurihan naman ni League of Provinces Project Director Angelica Sanchez ang panukala na ayon sa kanya ay makakatulong ng malaki sa mga local na pamahalaan upang matugunan din ang adhikain ng MDGs.
Idingdag n Sanchez na karamihan umano sa mga proyekto ng MDG ay nakasalalay at nakaatang sa mga lokal na pamahalaan.
Ayon naman kay Director Honorata Catibo ng Department of Health, kapuri-puri daw ang panukala dahil masusutinehan nito ang mga pagsisikap na gagawin at nilalayon ng MDG hanggang sa taong 2015 at malaki ang maitutulong ng panukala para magkaroon ng sapat na pondo para sa health care ng lahat ng Pilipino.
Nauna rito, bumuo si Marcos, chairperson ng House Committee on Millennium Development Goals, ng isang technical working group na siyang mag-sasaayos at magsasama-sama ng lahat ng posisyon at suhestiyon na iprinisinta ng bawat ahensiyang may kinalaman sa panukalang ito.
Layunin ng panukala ni Marcos na magtatag ng isang corporate body na kikilalanin bilang Philippine Millennium Development Fund na naglalayong maiangat ang anumang makakayanan at matutupad ng MDG.