Wednesday, March 16, 2011

Mahigit isang biyong pisong earthquake contingency fund, pinabubusisi

Iminungkahi ni Bagong Henerasyon partylist Rep Bernadette Herrera -Dy busisihin ng Commission on Audit (COA)ang mahigit sa isang bilyong pisong pondo na kinolekta mula sa mga water consumer para sa matinding paglindol

Hiniling ni Herrera-Dy sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ilantad nito ang mahigit isang bilyong piso na earthquake contingency fund na kinolekta mula sa mga water consumer sa Metro Manila at karatig na lokalidad.

Ang pondo ay ipinalalagay ni Herrera-Dy sa escrew o isang kontrata na nakadeposito ang pera sa isang bangko at maari lamang makuha sa panahon ng water crisis pagkatapos ng lindol.

Ang mambabatas ay nababahala sa naturang pondo bunsod na rin sa matinding lindol sa bansang Hapones at siya ay nabahala na sa oras ng kalamidad ay hindi agad maibigay ang pondo ng mga water utility para sa earthquake emergency.

Ang mga water concessionaire ay inatasang komolekta ng P4.130 billion pesos para sa Earthquake Contingency project.