Friday, March 18, 2011

Benepisyo sa mga miyembro ng SSS, pinadagdagan

Bunsod sa patuloy na pagtataas ng presyo ng mga bilihin, painadadagan ni Bayan Muna Reps Teddy Casino at Neri Javier Colmenares ang tinatanggap na pensiyon at iba pang benepisyo ng mga miyembro ng Social Security System(SSS).

Batay sa HB04365, dadagdagan ang ang kasalukuyang 1,200 hanggang 2,400 pesos na buwanang pensyon ng mga SSS members ay magiging 7,000 pesos na.

Nakasaad sa kasalukuyang batas na tatanggap ng P1,200 ang mga SSS members na nagretiro na sa trabaho kapag umaabot lamang ng 10 taon ang paghulog ng mga ito ng kontribusyon.

Doble naman o P2,400 ang pensyon ng mga SSS members na mahigit 20 taon nang naghulog ng kontribusyon bago sila nagretiro sa edad na 65 years old, ngunit walang halaga na umano ang perang natatanggap ng mga retirees dahil sa masyadong mataas na ang presyo ng mga bilihin.

Dahil dito, nais nina Casino at Colmenares na gawing P7,000 na ang magiging pensyon ng mga SSS members na wala nang trabaho upang makaagapay sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Gayunpaman, magsisimula pa rin sa mga nabanggit na halaga ang mga pensioners at itataas ng P500 kada buwan ang kanilang matatanggap na pensyon hanggang sa umabot ito sa P7,000.

Nais ng dalawang mambabatas na mabigyan ng prayoridad ng administrasyon ang nasabing panukala upang matulungan din ang mga mamamayan kasabay ng mga mahihirap na binibigyan ng tig P1,400 kada buwan sa ilalim ng Conditonal Cash Tranfer (CCT) program na pinondohan ng P21 bilyon pesos.