Pinalalakas ng mga mababatas sa Kamara ang kasalukuyang batas hinggil sa anti-money laundering upang ito ay makasang-ayon sa pamantayan ng international anti-money laundering at counter-terrorist financing.
Idinideklara sa HB04275 ang terorismo at ang pagpopondo sa mga terorista at mga gawain nito, human trafficking, sexual exploitation ng bata, katiwalian, panunuhol, panghuhuwad at pamemeke, at mga krimen laban sa kapaligiran o environmental crime bilang mga iligal na gawain.
Ang naturang panukala na naglalayong amiyendahan ang RA09160 o ang Anti-Money Laundering Act of 2000 ay inihain sa Kamara nina Cagayan de Oror Rep Rufus Rodriguez, Abante Mindanao prtylist Rep Maximo Rodriguez, Paranaque Rep Roilo Golez at Leyte Rep Sergio Apostol.
Ibinabalik ng panukalang ito ang dati nang nakasaad sa batas ng anti-money laudering na pagbibigay ng pabuya at insentibo na inalis sa pamamagitan ng RA09194 na nag-aamiyenda sa naunang RA09160.