Sa layuning maisalba at mai-repatriate ang mga overseas filipino worker (OFWs) mula sa rehiyon ng North Africa at Middle East at bansang Japan, iminungkahi ni Bayan Muna partylist Rep Tedy Casino sa nakapaloob sa HB04406 na maglaan ang pamahalaan ng 9 na bilyong piso na pamamamahalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at kalakip na rito ang paglalaan para sa Department of Trade and Industry, (DTI) Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Casino na tatlong dekada nang isinasalba ng mga OFW ang ekonomiya ng bansa kaya marapat lamang umanong ibalik ng gobyerno ang pabor sa oras ng kanilang pangangailangan.
Nararapat lamang daw na madaliin ng pamahalaan ang pagdedesisyon kung dapat bang dagdagan ang pondo para sa kaligtasan ng mga OFW ngayong inaatake na ng allied forces ang puwersa ni Libyan leader Muamar Qaddafy.