Sa ginta ng alingasngas sa pamahalaan na dulot ng imbestigasyon hinggil sa Php303 milyon plunder case laban kay Gen Carlos Garcia at paglitaw ni dating COA State Auditor Heidi Mendoza na tumestigo sa kaso, ipinanukala sa Kongreso ang pagbibigay ng ganap na proteksiyon sa sinumang titestigo laban sa tiwali na opisyan ng gobyerno.
Tatawaging whistleblower protection bill ang panukala na inihain ni Marikina Rep Marcelino Teodoro, ang HB01832 na may layuning mapaigting ang government at corporate accountability sa pamamagitan ng pagsuporta at proteksiyon sa karapatan ng mga empleyadong magsasalita laban sa katiwalian ng mga nakakataas sa kanila.
Sinabi ni Teodoro na sa state of the nation address ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang taon, binigyang diin umano ng pangulo ang kahalagahan ng whistleblower bill sa kampanya ng pamahalaan laban sa kultura ng pagsasaboy ng takot para sa mga nagnanais na magsiwalat ng kurapsiyon at katiwalian sa serbisyo publiko.
Ayon kay Teodoro, ang mga government officials na inakusahan ng irigularidad ay pagbabawalan nang magsasagawa ng anumang retaliatory action o pananakot laban sa mga empleyadong tumitestigo laban sa kanilang mga superior na may kaakibat na kaparusahan
Karamihan umano sa mga whistleblower ay nakakaranas ng panghaharas at kadalasan ay tinatakot na sibakin ng kanilang mga superyor na siyang naging sanhi ng pagkawalang ganang sumulong dahil sa chilling effect na kanilang nararanasan.