Monday, February 21, 2011

Pagtataas ng age requirement para sa SK , ipinanukala

Nais ng isang mambabatas na taasan ang nararapat na edad ng mga kasapi ng Sangguniang Kabataan (SK) magmula 18 at gawing 25 taong gulang na para ganap na makatutugon ang mga ito sa kanilang mga atas at mga hamon sa paninilbihan.

Sa isang privilege speech, sinabi ni San Juan Rep Joseph Victor Ejercito na ang kasalukuyang batas hinggil sa SK ay puno ng mga panukala at mekanismo na pumoprotekta sa mga kabataan sa kurapsiyon, manipulasyon at impluwensiya ng ilang mga pulitiko.

Ayon sa kanya, tamang-tama lamang umano ang edad 18-25 dahil umabot na ang mga ito sa isang level of maturity at kakakayanang umako ng mga responsibilidad kaysa sa itinadhana sa kasalukuyang batas na 15-17.

Nakalulungkot umano ang estado ng mga kabataan ngayon, sa kanilang murang edad, ay ini-expose na ng kanilang mga magulang sa maruming larangan ng pulika kung kayat ayaw daw niyang magiging tagamasid lamang na sila ay ginagamit ng mga balikong pulitiko at kahit ng kanilang mga sariling magulang para lamang makamtan ang kanilang mga makasariling interes.