Hiniling ngayon ng mga mambabatas sa Department of Health (DoH) at sa Land Transportation Office (LTO) na hulihin na ang mga fly-by-night drug testing center na nambibiktima ng aplikanteng kumukuha ng driver’s license.
Sinabi ni Tarlac Rep Jeci Lapus, umabot na sa 1,500 na ang mga iligal na drug testing center sa buong bansa at nangongolekta lamang sila ng pera mula sa mga aplikante.
Ayon kay Lapus, may mga insidente umano na hindi sinusuri nang mabuti ang urine samples ng aplikente, basta nakabayad sila ng examination fee.
Sinabi naman ni PBA party-list Rep Mark Aeron Sambar na kailangan umanong imbestigahan ng DoH at LTO kung ang mga drug testing center ay kumpleto sa tamang pasilidad.
Paano umanong mapipigilan ang pagkakaroon ng negatibong resulta kung mayroong mga huwad na drug testing center sa ating bansa, pagtatanong pa ni Sambar.