Wednesday, November 10, 2010

Tax exemption sa real properties na ibebenta sa gobyerno

Posible ng malibre sa pagbabayad ng buwis ang sinumang pribadong indibidwal na magbebenta ng kanilang pag-aari tulad ng gusali, sa gobyerno.

Sa HB00181 na inihain ni Nueva Ecija Rep Joseph Gilbert Violago, ie-exempt ang mga pribadong indibidwal na nagmamay-ari ng mga lupain o gusali na ibebenta sa gobyerno sa pagbabayad ng capital gains tax.

Ayon kay Violago layunin ng panukalang ito na hikayatin ang mga pribadong mamamayan na magbenta ng kanilang gusali o real properties upang magamit ng pamahalaan bilang tanggapan nito o di kaya naman ay gamitin bilang pampublikong paaralan, hospital at iba pang uri ng imprastraktura.

Ayon sa mambabatas ang insentibong ito ay kinakaliangan upang matugunan ang pangangailangan ng pamahalaan sa mga gusali at lupain na magagamit upang makapagsilbi ng maayos sa mga mamamayan.