Monday, November 22, 2010

Pagtatayo ng planta ng cellphones, maglilikha ng maraming trabaho sa bansa

Nais ni Iloilo Rep Augusto Syjuco na makibahagi ang pamahalaan sa pamamayagpag ng mga kumpanya ng cellphones na kumikita ng limpak limpak na tubo, kaya’t iniakda niya ang HB01279 na naglalayong itatag ng mga gumagawa ng cellphones sa bansa ang kanilang mga planta.

Sinabi ni Syjuco na bilyon-bilyon na ang kinita ng mga dambuhalang kumpanya ng cellphones tulad ng Glode at Smart at tinagurian na ang bansa bilang texting capital of the world.

Bukod sa bahagi ng buwis na kinikita ng pamahalaan sa kalakalan ng cellphones, dagdag ba ng mambabatas, ang pagtatatag ng lokal na planta ng mga kumpanyang ito ay makakalikha ng ng maraming trabaho para sa mga mamamayan at magpapatatag sa lokal at pambansang ekonomiya.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ang magtatakda at magpapatupad ng mga patakaran hinggil sa batas na ito.