Nababahala na si Cebu City Rep Rachel Marguerite del Mar sa lumalala at tumataas na bilang ng pagnanakaw at pang-aagaw ng portable telecommunications devices tulad ng cellular phones, laptops, i-pads, at iba pa, kaya’t mas mabigat na kaparusahan ang kanyang isinusulong sa ilalim ng HB00373.
Sinabi ng mambabatas na ay napakarami na umano ng mga biktimang napapatay na kagagawan ng mga masasamang loob na nagkalat sa lansangan dahil sa pagtangging ibigay ang kanilang mga personal na gamit, salapi at celphones kunga kayat panahon na umano upang wakasan na ang krimeng ito sa pamamagitan ng napakabigat na parusa.
Ayon sa sa kanya, ang portable telecommunication devices ay kinabibilangan ng cellular phones, personal digital assistants, portable computers, two-way very high frequency (VHF) o ultra high frequency (UHF) radios at iba pang portable communication equipment na ginagamit sa pagpapadala ng mensahe, dokumento, larawan, imahe, videos o mga impormasyon sa pamamagitan ng himpapawid, radyo o satellite frequencies.
Sa ilalim ng panukala ni del Mar, ang sinumang mahahatulan ng pagnanakaw ng portable telecommunication device ay papatawan ng mas mataas na parusa kaysa sa kasalukuyang ipinapataw ng hukuman at hindi na rin ito papayagan pa ng hukuman na magtamasa ng probisyon sa plea-bargaining at pribelihiyo na iginagawad sa ilalim ng Probation Law.